Chapter 14

109 7 2
                                    

"Ako nang magda-drive," Kai offered.

"Ako na. Eto naman. Nakakahiya naman sayo. Gumastos ka na nga dyan para sa mga pinamili mo sakin eh. Ako na," Sasha insisted.

"Sash, galing ka pa ng trabaho. Pagod ka. Plus, wala naman yang pinamili ko. Consider it as a gift," Kai said.

Sasha sighed. "Una sa lahat, salamat sa gift, nag-bayad ka na nga, pinaghirapan mo pang ipag-shopping ako. Tsaka kasama ka rin naman namin ni lola noh. Ang dami mo ngang tinulong sakin ngayong araw na toh. Nakakahiya. Sayang yung bayad nyo sakin. So parehas lang tayong pagod. Dapat nga off ka ngayon eh. And this is not going to work kung yung simple task of driving pinag-de-debatehan pa natin. We need to work together. So I propose na I drive halfway there then you drive the rest."

Kai thought about it for a minute. "I can drive first para makapagpahinga ka muna. You did most of the work naman kay lola eh. Ikaw yung nag-trabaho. Ako nag-off naman talaga ako para sayo. I chose to come here and be with lola and you."

"Ay ang kulit. Paalala ko lang po, nagda-drive pa nga ako for Uber after ng mga shift ko noon diba? Sanay nako. Di ako mabilis mapagod. In fact, kelangan ko pang pagurin yung sarili ko para lang makatulog ako. So ikaw muna ang magpahinga. Then you can drive. Final na yan kasi hindi talaga tayo makakaalis kung mag-tatalo pa tayo about dito. Sabihin mo lang sakin san tayo pupunta," Sasha tried to seal a deal.

Kai whined but ended up finally giving in. She buckled herself on the passenger seat while Sasha prepared to drive. "Naman eh, di naman ako pagod eh."

******************

A few hours later, Kai stretched her body as she slowly woke up from her little nap. She squinted at Sasha who smiled at her in return.

"Di ka pagod ha?" Sasha teased.

Kai chuckled while she sat up. "Di masyado," she answered.

Sasha laughed with her. "Medyo lang yung pagod mo? Eh may kasama pang hilik yun ah."

Kai's eyes widened. "Di nga? Nag-hihilik ako?"

Sasha laughed again. "Di masyado."

"Naman eh. Yung totoo? I only snore pag talagang mahimbing yung tulog ko. I must have slept well if I did snore. Ang tagal ko ng di nakakatulog ng ganun kahimbing actually," Kai explained.

"Tapos sabi mo di ka pagod," Sasha questioned.

"Eh oo nga. Hindi naman talaga. Sanay nako na mababaw lang yung tulog," Kai answered.

"Di yun healthy. Sa trabaho na meron ka, dapat nakakatulog ka ng maayos or else hindi ka well rested. Pagod yang katawan mo. Baka kaya mahimbing tulog mo ngayon kasi sobrang pagod ka," Sasha was genuinely concerned.

"I'm okay, Sash. Sanay nako. Ikaw okay ka lang? How long have you been driving?" Kai checked the time.

"Hindi ka okay. Hindi okay yung di ka nakakatulog ng maayos noh. Wala kang pahinga. Ako, I'm okay. Don't worry about me," Sasha quickly glanced at her then continued to focus on the road.

"Eto naman napaka-worry-wart—Hala, five hours ka na palang nagda-drive?! Ako na. Stop at the next rest area tapos palit na tayo," Kai couldn't believe she had been sleeping for that long. "Oh crap, hindi ka pa kumakain ulit," she gasped. "I'm so sorry."

"But we ate dinner kanila lola, remember?" Sasha replied.

"Eh that was five hours ago. You have to eat again. Ang galing ko noh? Ako yung nag-invite pero ikaw yung pina-drive ko. Di na nga kita napakain, tinulugan pa kita." Kai let out a big disappointed sigh.

They Don't Know About Us Where stories live. Discover now