Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

CHAPTER 4

314K 12.3K 3.8K
                                    

CHAPTER 4

SALAMAT sa isang libong barbecue na order ni Knight na hindi nila Eva natapos lahat gawin, ilang araw ang lumipas bago gumaling ang kamay ni Eva. Walang luha na lang siyang umiyak. Alam niyang dapat niyang ipagpasalamat ang isang libong barbecue na order ni Knight, pero sa likod ng isip niya, gusto niyang magmura.

"Kumusta ang kamay mo, 'nak?" Tanong ni 'Nay Luz sa ika-apat na umaga mula ng mamaga ang kamay niya.

"Okay na, 'nay. Magaling na."

"Buti naman. Pero huwag ka munang magbubuhat ng mabibigat baka mabinat ang kamay mo."

"Ayos lang ako, 'nay. Effective 'yong ointment na binigay ni Terron."

Lihim na napabuntong-hininga si Luz ng marinig ang pangalan ni Terron. "Eva, talaga bang wala kayong relasyon ni Sir Terron?"

"Ha?" Napatingin si Eva sa ina habang sumisimsim ng kape. "Sigurado akong wala, 'nay. Magkaibigan lang kami."

Bakas sa mukha ni Luz na hindi ito naniniwala. Kitang-kita ng ginang ang pag-aalala ni Terron para kay Eva at hindi 'yon simpleng pag-aalala ng isang kaibigan. "Wala ka talagang interes kay Sir Terron?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Eva. "'Nay, kaibigan ko lang talaga si Terron."

"Kung ganun, iwasan mo muna siya pansamantala." Suhestiyon ni Luz sa anak. "Siguro nga wala kang interes sa kaniya, pero nasisiguro kong interesado siya sa'yo. Hindi ka naman siguro bulag, Eva."

Gustong igiit ni Eva sa ina na magkaibigan lang talaga sila ni Terron. Na walang halong malisya ang relasyong mayroon sila pero pinili ni Eva ang sarili at tumahimik na lang.

No one understands her relationship with Terron. Maybe to other people, they had an ambiguous relationship. But to her, what they had was a special kind of friendship. It was the kind of relationship that she finds therapeutic.

And with her stress-filled life, she was desperate for something therapeutic and Terron gave that to her.

In short, walang stress na naibibigay sa kaniya ang binata. Kaya palagi niyang tinatanggap ang tulong na inaalok nito. She not only finds Terron stress-free, but he also helped her alleviate her stress sometimes. At sa mundong halos lamunin siya ng stress, sa presensiya lang ni Terron siya pansamantalang nakakapagpahinga.

Speaking of which, she received a message from Terron. Buti na lang naka-silent ang cellphone niya na nasa ibabaw ng lamesa.

Pasimpleng niyang binuksan iyon saka binabasa ang mensahe ng binata.

'How are your hands? Need more ointment? I can send you more.'

Then Terron sent another message. 'Btw, are you free this coming Saturday? There's a newly opened attraction. Wanna go with me?'

Eva subtly picked up her phone and replied. 'Sorry, Your Grace. Mamimili ako ng paninda namin sa sabado.'

'Sunday then.'

Hindi mapigilang napangiti si Eva. 'O iba na lang kaya ang isama mo?'

'Who?'

'Girlfriend?'

'I don't have that.'

'Then ask someone on a date.'

'Troublesome. And you're the only woman I'm comfortable going out with.'

Nang mabasa 'yon ni Eva, napataas ang kilay niya. Kung mababasa ito ni 'Nay Luz, mas lalo itong hindi maniniwala na wala silang relasyon ni Terron. Siya lang ang nakakaintindi na walang malisya ang salita ng binata.

POSSESSIVE 26: Terron DashwoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon