10

41 11 0
                                    

“Good morning, Ate Jane!” Masiglang bati ko. Ang aga ko nagising dahil ngayon na gaganapin ang battle of the bands na matagal ko nang hinihintay.



“Ang saya mo ngayon ah?” She's cooking breakfast. I can tell by just smelling it.



Mas lalo tuloy akong napangiti dahil sa sinabi niya. Inalala ko na naman yung nangyari nung nakaraan. Hanggang ngayon ay ang saya saya ko pa rin dahil sa ginawa ni Yvxia. Kahit sino naman ay sasaya kung may ibinigay sayo yung taong gusto mo.



“Hehe,” Iyon lang ang sinagot ko dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Umupo muna ako sa counter dahil dito na ako kakain ng breakfast. For sure pag pasok ko ay diretso na ako sa club!



“Sinong lalaki kaya ang nag papangiti sa ’yo anak?” Tudyo ni Nanay Cecil halatang nang-aasar.



“It’s not a boy po.. it's a girl..” Nahihiya kong sabi at umiwas ng tingin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na sabihin ang mga bagay na ‘yon. I'm worried that if they find out I like girls, they'll judge me.



I'm not ashamed of it; rather, I'm afraid of what people will think if they find out. I'm worried that they might leave me eventually.



“Ganoon ba? Oh e sino nga iyan? Ikaw ha..” Sinundot-sundot pa nito ang tagiliran ko kaya hindi ko maiwasan matawa. I feel relieved because she did not react to that one.



“Nanay Cecil stop it na po! I'll introduce her to you if she's already my girlfriend!” Kanina niya pa ako kinikiliti! Ang sakit na ng panga at tiyan ko katatawa.



Tumigil na rin naman ito pero hindi pa rin nila ako tinigilan sa pang-aasar nila. Pati sila Ate Joy at Ate Janice ay nakisali na rin!



Nalaman ko lang kay Ate Jane na mas matanda sa akin ang dalawa niyang kapatid. Grabe, kahit dito ako nakatira, wala akong ideya kung sino talaga sila. Ayaw ni mom na nakikipag usap ako sa maids namin.



Matagal na rin sila rito, simula pa raw nung bata ako ay nandito na sila kaya nagtataka ako kung bakit ngayon ko lang sila nakilala. But as I've said, mom doesn't want me to talk to our maids. Maybe that's the reason why I don't know them.



Hindi naman ako nagtagal doon dahil baka ma-late ako. Pumunta muna ako sa room namin dahil gusto kong makita si Yvxia. Siya ang inspiration ko kaya kailangan ko siyang makita. Mamaya ay mawala ako sa sarili ko kaya kailangan ko muna siyang makita.



Bago pa man ako makapasok sa room ay hinarang na ako ng isang babae. Hindi ko siya kilala pero parang pamilyar siya sa akin. Bakit familiar sa akin ang lahat pero hindi ko naman kilala? Nakakainis na ah!



“Kasali ka sa battle of the bands ‘di ba? Yung Airey na banda?”



“Uh, yes?” Matutumba na ako dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kulang na lang ay yakapin niya ako habang nag-uusap kami e!



Lalong nag ningning ang mata nito sa naging sagot ko. Umayos na rin naman siya ng tayo kaya nakahinga na ako ng maluwag.



“Pwede bang i-shout out mo yung friend ko? She's from humss but she has a debate competition so she can't make it later.” Pinagsakilop niya pa yung kamay niya habang nakatingin sa akin.



“O-okay.. What's her name?”



“Angeline Diaz! Angeline Diaz from humss 1 ang sabihin mo kasi baka may kapangalan siya!”



“Okay.. But I'm not sure if I can do that. I'll ask my band mates first.”



“Okay! Thank you and good luck!” Nagulat ako sa biglaang pagyakap niya. Umalis na rin naman siya pagkatapos.



An Uprising Of Love Where stories live. Discover now