Kabanata 8

29 2 0
                                    

~His Comfort~

Chapter 8

By:Mharl

Nandito na ako ngayon namimili sa isang sikat na grocery store, mag isa lang ako pero ayos lang naman dahil susunduin naman ako ng driver ni Ice.

Medyo madami dami na rin akong nakukuha para sa mga pagkain namin, grabe sobrang strict ng diet nya, hindi pwedeng puro protein, kailangan balance diet kaya medyo ang hirap nyang lutuan.

Nagulat nalang ako ng biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko yung kinuha na ikinakunot ng noo ko.

Ice is calling, but he doesn't have my number, hindi ko alam kung papaanong na save yung phone number nya sa phone ko.

Iwinaksi ko nalang muna kung ano man ang mga tanong na yun at agad kong sinagot.

"Hey, Arjel." Masaya nyang bigkas na ikinangiti ko rin, hindi ko maiwasang mapangiti sa masigla nyang boses.

Nakakahawa

"Tapos ka na ba mag grocery? Para ipatawag ko na sana si manong.

"Hindi pa eh, siguro after 1 hour? Medyo madami pa akong kailangang bilhin."

"Madami ba? You want me to pick you up personally para may katulong ka?" Tignan mo tong lalaking to, kung kausapin ako kala mo kapatid ko lang eh, wala man lang authority magsalita, parang pag nag utos sya, sya pa yung nahihiya.

"I can handle it, Ice, mag focus ka nalang jan sa trabaho mo." Natatawa kong sabi sa kanya at narinig ko pa ang pag buntong hininga nya na mas lalo kong ikinatawa.

Magsasalita pa lang sana ulit ako ng babaan na nya ako ng phone.

Tskk... Ano namang problema nun?

"Arjel!" na patingin nalang ako sa likod ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko na ikinangiti ko.

Agad syang lumapit saakin kaya agad akong nag beso sa kanya.

"Ikaw pala yan Bruce, anong ginagawa mo rito? Mag isa ka lang?" Napatingin nalang ako sa kanya, simpleng gray jogging pants lang ang suot nya at compression shirt, mukhang naisipan nya lang talagang pumunta sa grocery store at medyo gulo pa ang buhok nya, parang bagong gising.

" Yeah, wala na akong mga pagkain sa condo eh, ikaw? Is Ice with you?" tumingin tingin pa sya habang hinahanap ang kaibigan nya kaya umiling na lang ako.

"No, nasa office sya ngayon."

"By the way, Arjel, I'm sorry for what connor did to you, nawala ka pa tuloy ng trabaho." Mukhang nasabi na ata ni Ice sa kanila ang mga nalaman nya, hindi lang ako sure kung sinabi nya din yung meron saaming dalawa.

Hopefully not, for sure ilang beses kong makakasa tong mga kaibigan nya at ayaw kong maging awkward sa tabi nila.

"Ahm hindi naman ako nawalan ng trabaho, kinuha nya ako as P. A nya and mas malaki yung sahod kahot papaano kaya pabor na rin sakin." tumaas ng 5% yung sahod ko kay Ice, siguro tinaasan nya para din mapapayag nya ako.

"Wow, that's nice if that's the case, wag ka palang mag alala kay connor, we actually don't know why he did that and Ice talked to him, binalaan na nya si Connor na wag lalapit sayo and mukhang nagkaintindihan naman sila." Nagulat ako sa sinabi nya, hindi ko ineexpect na aabot sa ganun yung magiging steps ni Ice or baka ayaw nya lang ng kaagaw saakin kaya sinabihan nya si Connor na wag lumapit saakin.

Tsk...

Kahit bigyan pa ako ni Connor ng 1 million hindi na ulit ako makikipag sex sa kanya.

His Comfort Where stories live. Discover now