Kabanata 4

21 1 0
                                    

~His Comfort ~

Kabanata 4

Kaming dalawa lang ni Ice ang nandito sa kotche nya, nasa tabi nya ako, yung mga kaibigan nya kasi ay mas naunang umalis para daw makapag pa reserve na ng table at isa pa may mga kanya kanya din silang mga sasakyan.

"Sa amin ka ba ulit matutulog?" Napatingin nalang ako sa kanya ng magsalita sya, seryoso pa rin syang nagdadrive na ikinangiti ko.

Ilang babae na kaya ang nabaliw o binaliw ng lalaking to?

"Ah hindi, uuwi ako kasi di na ako umuwi kahapon eh."

"Why? May boyfriend ka bang naghihintay?" nagulat nalang ako ng bigla nya akong sundutin sa tagiliran na ikinatawa ko.

"Sira, may nanay akong nag hihintay sa bahay, baka mamaya lumipat na yun ng bahay at hindi ako umuwi kagabi."

"Oww, I see, pero of hindi mo na kayaning uminom you can sleep with me- I mean you can sleep at my house." Pambobola nya sakin so I just rolled my eyes. Malandi.

Hindi ko nalang sya pinansin at nag start ng mag browse sa Ipad para sa mga naka sched nyang trabaho. Ilang araw nalang sabado na makakapag pahinga na rin.

Nang makarating na kami sa bar ay agad akong nagulat at nang laki ang mga mata ko.

"Fuck!"

"S-saan yung bar na pupuntahan natin dito, Isaiah?" kinakabahan kong saad habang nakatingin sa isnag club na sobrang pamilyar saakin na halos nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba.

"Dito, wala na kasing pwesto sa Pop up so sabi ni Connor mas okay daw dito, may mga drag performance daw dito, I don't know what that is but looks cool!" Excited nyang saad saakin na halos ikalaglag ng panga ko.

"Ah Ice, uuwi nalang siguro muna ako."

"Huh? Why?"

"Hindi maganda pakiramdam ko eh, medyo nahihilo din ako." Saad ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya. Nang akmang hahawakan nya ang noo ko ay agad akong umatras na ikinakagat nya sa labi nya.

"Umuiwas ka lang sa inuman eh, halika na, bili nalang tayo ng gamot."

"Hindi falaga, pakiramdam ko lalagnatin ako, hindi din ako makahinga."

"Anong gusto mo? CPR ba kita dito sa sasaktan non stop?" Agad ko syang pinanliitan sa sinabi nya dahil mukhang wala syang balak mag seryoso sa mga sinasabi ko.

Ayoko ng bumalik sa lugar na to, hindi na pepwede.

"Halika na, ihahatid nalang kita pauwi." Wala na akong nagawa ng agad na syang lumabas sa sasakyan at naglakad na papasok sa loob ng bar, iniwan nya ang wallet nya na ikinabuntomg hininga ko.

Alam kong iniwan nya to para dalhin ko papunta sa kanya.

Kumuha nalang ako ng isanhg itim na face mask bago lumabas ng sasakyan nya at ilock ito. Agad akong napalunok ng laway sa sobrang kaba.

Hindi talaga ako titigilan ng Connor na yan, tang ina nya!

Napaka bagal ng bawat galaw ko habang papalapit ako ng papalapit sa bar, halos hindi rin ako makakurap sa kaba at takot. Hindi ko aakalain na makikita kong muli ang bar na to.

It feels like sinusundan ako ng nakaraan na gusto ko ng bitawan.

Pagkapasok ko ay maalingawngaw na agad ang paligid, kagaya ng dati ay may mga drag queen pa rin na nagpeperform sa stage at madaming tao ang mga umiinom kaya yumuko nalang ako at sinundan ko si Ice na ngayon ay nakaupo na kasama ang mga kaibigan nya.

His Comfort Where stories live. Discover now