chapter 19

55 0 0
                                    

~~~~

Isang linggo na nang maka uwi kami galing bakasyon sobrang saya nang bakasyon namin at thankful din ako kay samuel kasi parang buong bakasyon namin ay wala kaming binayaran maski pagkain namin ay libre rin pati yung mga beach activities namin, pwera nalang sa mga binili naming mga pasalubong ay gastos na namin 'yon.

Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko kakatapos lang namin kumain ni felix kaya dumaretso muna ako nang kwarto ko para makapag pahinga, si felix naman ay mag gym daw siya kaya walang mang gugulo sa'kin dito tapos mag tatabi nanaman kaming matulog ayaw ko ngang mag tabi kami kasi ang likot nang kamay niya saan saan na pupunta.

Iniisip kopa rin yung sinabi ni carl sa'kin nung nakaraang linggo na kakilala niya si felix ay dati niyang patient gusto ko sana makipag kita kay carl para mag tanong tungkol kay felix at malaman yung background niya dahil wala naman akong alam sa background ni felix.

Oo magka kilala kami dati pero hanggang doon lang ang pagkaka kilanlan ko sakanya. Kaya tumayo ako para kunin yung bag ko at mag dala nang iilang damit ko gusto kona rin kasi umuwi sa bahay namin nami miss kona si mommy at daddy ko pati sina kuya.

Nang maka ayos ako ay bumaba na ako nang kwarto para magpa alam kay felix sakto nakita ko naman siya sa may sala pawis na pawis siya mukhang kakatapos niya lang mag gym. "Where are you going?" Tanong niya sa'kin at tumayo siya para lapitan ako.

"Pwede ba akong mag day off felix? Gusto kong umuwi sa bahay namin.." sabi ko sakanya.

"Okay, gusto mo i hatid kita?" Umiling naman ako magta taxi nalang siguro ako pa uwi samin.

"H-hindi na mag taxi nalang ako felix.."

"Okay take care, umuwi ka agad kapag tapos nang day off mo uuwi na ngayon week sina mommy." Sabi niya kaya tumango naman ako buti naman ay uuwi na sina mrs. Dawson dahil parang ang tagal naman nang business trip nila.

"Sige.." ngumiti ako sakanya saka nag lakad ako palabas nang bahay naramdaman ko yung mga mata niya na sinusundan ako.

"Bye elizabeth."









~~~~

"How are you eli? Bakit ganyan ang itsura mo ha?" Tanong ni kuya ezekiel sa'kin, paanong hindi sisimangot ang mukha ko kanina kapag dating ko sa bahay ay akala ko sina mommy at daddy ang sasalubong sa'kin pero sila pa talaga malas talaga.

"Akala ko sina mommy ang sasalubong sa'kin minalas ata ako ngayong araw at kayo ang nakita ko." Sabi ko sakanila kaya napa kamot ulo tuloy ako.

"Hahahaha ang sama nang ugali mo little sis! Wala nga sina mom at dad kahapon pa wala nasa japan sila for vacation trip." Sabi ni kuya enzo at tumabi sa'kin.  Kaya napatingin naman ako bakit hindi sinabi ni mom at dad sa'kin na aalis pala sila edi sana sumama man lang ako.

"Huh? Nasa japan sila sana sumama nalang pala ako sa trip nila eh okay na kahit maging third wheel ako." Sanay naman na akong third wheel kasi wala namang nag mamahal sa'kin eh.

"Hindi nga kami pinasama ni dad kasi gusto niya daw ma solo si mom sa buong vacation trip nila like bebe time hahaha.." natatawang sabi ni kuya ezekiel kaya pati kami ni kuya enzo natawa sa sinabi niya. Sabagay may point naman si kuya pero mag tampo pa rin ako kay mommy at daddy.

"Sumama kana lang samin sa basket ball court elizabeth para may bonding tayong tatlo." Sabi pa ni kuya ezekiel kaya tumango nalang ako at kinuha ko yung cellphone ko sumunod ako sakanila palabas nang bahay ni lock kona yung gate dahil nag bakasyon rin si manang sa province nila.

Hindi naman masyadong malayo yung basketball court mag lalakad lang nang mga 10 minutes siguro habang nag lalakad nga kami ay ang daming kakilala nila kuya na nakaka salubong namin. "Bakit parang buong tao naman ata dito sa subdivision natin ay kakilala niyo?" Para naman kasi silang tatakbong baranggay chairman eh lahat kinakawayan nila at nakikipag apir pa.

THE NIGHT WITH PSYCHOPATH (ON GOING)Where stories live. Discover now