chapter 6

117 0 0
                                    

~~~~

Kinagabihan niyaya ko sina lily at samuel na kumain kami sa labas tutal namiss ko naman silang dalawa sa labas nang hospital ko sila inaantay dahil sabay naman na pala silang nag off. "Lily samuel!" Sigaw ko nang makita ko silang palabas nang hospital, tumakbo ako papunta sakanila at niyakap ko agad silang dalawa.

Sa favorite naming restaurant kami kakain ngayong tatlo katapat lang naman 'to nang hospital kaya nga naging favorite namin 'to kasi dito kami madalas bumili nang pagkain namin kapag duty kami. "Namiss ko kayong dalawa isang buwan ko kayong di nakita" nakangiti kong sabi sakanila.

"Ako rin eli namiss kita, kamusta na? Hindi ba abusado yung amo mo doon?" Tanong pa ni lily.

"H-hindi ah ang bait bait kaya nang amo ko.."

"Ilang taon naba yung inaalagaan mo? Bata palang ba? Like kids or what?" Sabi ni samuel, matanda na nagpapa baby pa. Joke.

"Ahm hindi eh matanda na rin kasing edad ko lang yung inaalagaan ko.." sabi ko sakanilang dalawa.

"Ha? What do you mean?"

"Para niya akong private nurse tapos inaalagaan korin siya pero sabi sa'kin nang parents niya need daw nang mag aalaga sa anak nila kasi nga daw may sakit pero hindi ko naman alam kung anong sakit.." ayoko naman kasing tanungin nakakahiya, baka magalit pa si felix sa'kin edi nawalan naman ako nang trabaho.

"Anong sakit?" Tanong pa ni lily.

"H-hindi ko alam eh ayoko namang tanungin sa amo ko nakakahiya kasi, pero nung last month para siyang nag wala nakita ko kasing nasa banyo siya tapos yung mga gamit niya nag kalat sa sahig.. pero iniisip ko baka may problema lang siya kaya ganon.." baka naman kasi may problema si felix non lahat naman nang tao may problema, pero tinanong ko naman siya kung anong problema niya pero hindi naman niya sinabi ang sabi niya lang ay ayos lang siya.

"Pero nag bilin yung parents niya sa akin na pa inumin ko daw siya nang gamot sa tamang oras nung wala pa ako doon nagta take na daw nang mga medicine yung amo ko pero hindi naman nila napapa inom sa tamang oras" nag bigay naman sa'kin nang tamang oras sa pag inom yung mama ni felix tapos nag dagdag nalang ako nang vitamins para inumin niya rin.

"Baka naman may sakit sa pag iisip yung amo mo elizabeth? Kaya siya nag wala or sinasaktan ba nang amo mo yung sarili niya? Parang ganon kasi yung sign nang mga may mental illness diba?" Sabi pa ni samuel pero parang imposible namang may ganon si felix kasi isang beses lang naman nangyari 'yon tapos hindi na na ulit. Pero minsan parin parang wala sa mood si felix at nag sasabi rin siya sa'kin na hirap siyang maka tulog kaya pinapa inom ko siya nang sleeping pills.

"Ang oa mo naman samuel baka naman depress lang yung amo ni eli or baka may iniisip lang kaya ganon, grabe ka naman sa may sakit sa pag iisip noh, lahat naman nang tao may problema baka may malalim lang na problema yung amo ni eli kaya nagka ganon." Sabi pa ni lily, may point naman si lily baka may problema si felix ayaw niya lang mag sabi sa'kin.

"Sus, ilang beses bang nangyari 'yon? Atsaka ano ba yung mga pangalan nang gamot na tine take nang amo mo?" Sabi pa ulit ni samuel.

"Nakalimutan ko yung mga pangalan eh pero parang hindi medyo familiar sa'kin yung mga medicine na tine take niya.." ayon lang ang hindi ko alam hindi ko nase search yung mga gamot na tine take niya ang tanga ko talaga.

"Atsaka isang beses lang naman nangyari 'yon, pero minsan nag iiba yung mood niya like yung behavior niya."

"Pero if may hindi magandang nangyari tawagan mo lang kami eli pupuntahan ka namin, mahirap na baka may hindi magandang gawin sa'yo yung amo mo" mabilis namang binatukan ni lily si samuel, kaya natawa nalang ako dahil doon grabe naman kasi siya mag isip.

THE NIGHT WITH PSYCHOPATH (ON GOING)Where stories live. Discover now