Chapter 5

0 0 0
                                    


"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko at binalingan ito ng tingin.

Wala akong nakuhang sagot dahil seryoso siyang nagmamaneho. Parang ang gaan at dali lang magmaneho sakaniya dahil mukang eksperto siya sa pag ikot ng manibela.

'Di wag! Sungit talaga ng amo kong 'to.

Tumingin nalang ako sa tanawin sa labas at ang raming mga sasakyan at building ang makikita. Ganito ba talaga sa Maynila? Gaano kaya ka polusyon dito?

"How did you became friends with Clara?" Pagbasag niya sa katahimikan ngunit hindi ko siya sinagot.

Gantihan lang 'to no. Nagmuka kaya akong tanga kanina kasi wala akong kausap kaya siya naman ngayon.

"Hey, I'm talking to you." May pagka irita sa kaniyang boses ngunit nagkibitbalikat lang ako.
"Damn. You're testing my patience, woman."

Luh, baliktad! Ako kaya nakikisama dito sa ugali niya eh. Talaga 'tong si sir haha, joker.

"Sir, first of all po, may pangalan ako. Kahapon pa po kayo woman ng woman eh hindi naman iyon ang pinangalan saakin ng nanay ko. Sumbong kita kay mama eh mas marunong ka pa sakaniya. George, okay? Pangalawa ay quits lang naman ho tayo dahil hindi niyo ako sinagot kanina kaya bawal ang pikon dito 'no." Sabi ko dito at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga kaya napalunok nalang ako.

Wrong move nanaman ata!

"We're going to the company. Now, I answered your question, answer mine." Aniya nito.

"Ganiyan! Madali ka naman palang kausap eh paligoy ligoy ka pa." Sabi ko at napahagikgik at inikutan niya lamang ako ng mata. "Ganito po kasi 'yon, magkakababata kami dahil magkabitbahay lang naman kami. Nabuo ang tropa namin dahil sa iba't ibang ugali namin at lagi na kaming magkakasama. Mas malapit ako kay Clara dahil kami lang naman ang babae sa grupo kahit sabihin niyong parang tibo ako ay babae pa din ako 'no."

Tango lang ang sinagot sakin nito. Pangit talaga kausap nito. Paano kaya nagkagusto si Clara dito? Nauntog kaya kaibigan ko? O sadyang may hipnotismo si sir? Hala, dapat na ba akong kabahan?

Pagkatapos ng pagbibilang ko sa mga poste na nadadaanan namin ay nakarating din kami sa company nila.

"Ang laki! Sainyo ba talaga 'yan?" Sabi ko habang sinusundan siya na naglalakad.

"Of course. Dadalhin ba kita dito kung hindi? Common sense." Sagot niya at napanguso nalang ako.

"Masungit ka talaga 'no?" Sabi ko at napatigil ito dahilan ng pagbangga ko sa kaniyang matipunong likod. "Aray! Sir naman eh!"

Hinarap niya ako at nakakapangilabot ang tingin niya. "We're not close, Miss Torres, so please speak formally. Don't cross the line. Being friends with Clara, my sister, and my grandmother doesn't mean you could do the same with me, understood? Just shut up."

"O-okay?" Sagot ko nalang at nakagat ang ibabang labi sabay iwas ng tingin.

Tahimik lang ako habang nilibot namin ang kompanya. Bawat may makakasalubong kaming staff ay binabati siya o tumutungo sila.

Napakalaki ng kompanya dahil sa lobby palang ay amoy mamahalin na. Hindi mo gugustuhin na humawak ng kahit ano dahil parang napaka babasagin kahit mga obra o pinta na nakasabit sa dingding.

May mga nagbubulungan at tumitingin saakin dahil nga kasama ko ang amo ko na amo din nila.
Ang mga tingin nila ay hindi ko mawari kung nandidiri, naiinis, o sadyang mapanghusga.

Mga chararat naman mga 'to akala mo laki ng ambag sa lipunan eh chismis na nga lang mali-mali pa. Kung makatingin wagas, hanggang tingin lang kayo uy! Mga salitang gusto lumabas sa bibig ko pero pinigilan ko dahil hindi naman ako tinuruan magkaroon ng ugaling skwater na mang aamok agad ng away.

Melt my Heart to StoneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant