-prologue-

30 2 0
                                    

Sa tingin ko may lubid, o siguro tabletas ang mga iyon, hindi ito malinaw sa akin. Hindi ko gaano maalala dahil umiikot ang mundo at pakiramdam ko nangyari na ito isang bilyong taon na ang nakaraan. Naaalala ko ang mga sigaw, lahat sa loob ng aking ulo. Mga masasakit na mga salita na patuloy na tumutulak at tumutulak sa akin. Sa malayo at mas malayo.

Sa lahat ng aking buhay ako ay hindi kailanman gumawa ng anumang bagay sa isang tao. I always minded my own business at hindi ako napansin ng mga tao, maliban na lang kung ito ay gagawin akong pinaka miserableng nilalang dito sa lupa.

Sa tingin ko may pusa na umiiyak, isang bagong member sa maliit na pamilyang ito. Nagpatuloy ito sa pag meow, pagdaragdag sa saligutgot sa aking isip.

Naaalala ko na gusto ko itong huminto. Naaalala ko na gusto ko lang huminto ang lahat sa pagsigaw sa akin, sa pagsabi sa akin kung ano ang gagawin. Gusto ko lang mapag-isa.

Naaalala ko ang maalat na lasa sa aking bibig. Sa tingin ko luha ang mga iyon. Hindi ko talaga maalala. Nabulunan ako sa aking sariling paghihirap.

Sa paglipas ng panahon naging mas mahirap ang pag-alala sa araw na iyon. Ang sakit, ang pagkamuhi, ang pagkawalang-taros, at ang desperasyon. Hindi ko maalala kung ano ang nagawa ko, naaalala ko lang na gusto kong huminto ang lahat. Nothing else mattered.

Ngunit matagal na iyon. Naka move on na ako. Kung ano man ang ginawa ko, it worked. Tumigil na ang mga tao sa panggugulo sa akin, pagtawag sa akin ng iba't ibang mga pangalan at pagtulak sa akin sa sahig. Huminto na rin ang mga tao sa pagtingin sa akin noong nalaman nila.

I was finally in peace. Naririnig ko na ang aking sariling saloobin sa halip ng mga insulto ng iba. Wala nang nag-aabala sa akin, wala nang nanakit sa akin, wala nang nakakakita sa akin and I couldn't have it any other way.

Malaya na ako sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unseen (Taglish) Where stories live. Discover now