CHAPTER 5:Not so sweet

19 15 2
                                    

Kinabukasan ay naisipan kong dalhan si taurus nang cupcake pero dahil nabusy ako sa mga meeting ay hindi Kami nagkita nung Umaga

Pagkatapos nang meeting namin it's already 9 nang Umaga 8 kami nagsimula

Lumabas naman ako nang building at bumili nang cupcakes tanda ko pa dati nung una niyang pasok at binigyan siya ni shienna nang cupcake gustong gusto niya yun kaya alam Kong magugustohan niya rin ito

Agad ko naman siyang nakita

"Morning taurus"bati ko

"What's good in the morning eula?"tanong nito

"Owhh andito na naman ang humahabol habol kay taurus ano taurus nanay moba yan?"tanong ni klien

"Stop it klien it's not funny"galit na sambit ni taurus

"Oo nga di niya ako nanay noh"galit na sambit ko sa kanila

"Tinanong kaba?"singit ni Janice

"Ano bang kailangan mo ngayon eula?"irritable niyang Saad

"Gusto ko lang ibigay to sayo"inilahad ko ang box nang cupcake sa kaniya

Tinignan nya lang ito at tumingin uli sa mata ko

"Ano rus di mo tatanggapin ang regalo nang nanay mo?"tawang sambit ni klien

Nahihiya man ako pero anong pakialam nila kong gusto koto at isa pa hindi naman sila ang crush ko si taurus kaya naiinis na ako sa kaniya

"Pwede ba klien napaka papansin mo kala mo naman pogi ka at isa pa hindi ikaw yung crush ko si taurus wag kang mangialam masyado kang attention seeker" irap ko sa kaniya

"Anong sinabi mo ha?"lumapit naman siya sakin

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit napasigaw ako sa sakit.

"Aray ano ba!bitiwan mo nga ako masakit!"sigaw ko sa kaniya

"Bakit ha?nagtatapang tapangan ka kanina diba alam mo nag wowonder ako bakit ka naging manager dito sa company nato eh sa pagiisip mong yan muka kang may tuliling eula!"sigaw ni klien

Baliw pala to eh malamang ako ang may ari nito ulòl

"Ano ba bitiw!"sigaw ko uli

Tumulo na ang luha ko pero kahit na masakit ay hindi ko parin binibitawan ang box na may lamang cupcake n dinala ko Para kay taurus

"Gusto mong bitiwan kita?give me the cupcakes"utos nito tumingin lang ako sa kaniya nang matalim

"Kahit anong mangyari kahit pa ikaw ang kahulihulihang tao sa mundo hinding hindi ko to ibibigay sayo!"sigaw ko

Lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko

"A-aray ano ba!"

Nagulat ako nang hinawakan ni taurus ang kamay ni klien na nakahawak sakin

Chasing after you(circle of friends series#3)Where stories live. Discover now